Tuesday, August 10, 2010

Paumanhin

Paumanhin duon sa hindi maganda ang naramdaman nang mabasa ang "Life is too short" na sulatin dated July 19, 2010.  Mali man po ang panalangin ko hindi ko sinasadya.  Siguro kailangan ko lang maisulat ng maayos kung ano ang gusto kong sabihin.  Sincerely, ayaw ko pong makaramdam ng galit o poot duon sa mga namumuhi sa akin, ang paraan ko para duon ay manalangin (kung hindi man gumawa) ng mabuting bagay para sa kanila.  Kapag ginawa ko 'yon, ako rin ang nagbe-benefit dahil mabigat na dalahin sa dibdib ang galit at muhi.  Iyon lang po ang ibig kong sabihin duon.

Paumanhin din duon sa hindi maganda ang naramdaman sa sulating, "Pre and Post Medical Procedure Events" dated July 3.  Nakikisimpatya ako duon sa mga tao lalu na sa kababaihang nakararamdam ng sakit sa kanilang katawan.  Alam ko po kung paano magkaruon ng sakit sa katawan, ayaw ko itong nararamdaman ng kahit na sino.  Hindi ko po isinulat iyon para magyabang.  Wala po akong dapat na ipagyabang kahit ano.  Pero kahit wala akong kayang ipagmalaki ay binigyan pa rin Niya ako ng milagro, iyon po ang gusto kong ibahagi.  In fact, it was a humbling experience for me. At ang karanasan ko ay hindi naman kakaiba, alam kong lahat ng tao ay nakaranas na ng Kanyang milagro sa maraming kapamaraanan.

Thursday, August 5, 2010

Sina Adlaw, Bulan at Bituing Marikit sa Malayong Planeta Bilog

Mga bata, alam n'yo ba na nuong unang unang unang panahon ay wala pang araw, buwan at mga bituin? Ang daigdig ay madilim na madilim na madilim at tanging apoy lamang ang nagsisilbing tanglaw ng mga tao? Dahil nga palaging madilim, ay walang tinatawag na araw at gabi rito. Gusto ba ninyong malaman kung paano nagkaroon ng araw, buwan at mga bituin? P'wes, pakinggan ninyo ang kwento nina Araw Adlaw, Buwan Bulan at laksa laksang bituin at kung paano sila napadpad malapit sa ating planeta daigdig. Handa na ba kayo?

Sa kabilang dako ng kalawakan sa malayong malayong malayong labas ng daigdig ay mayroong isang planeta.  Malaking malaking malaking planeta na kung tawagin nila ay planeta bilog. Ang planeta bilog din ay maliwanag na maliwanag na maliwanag dahil sa libo libong araw at buwan na hugis bilog na naninirahan dito. Dahil sa sobrang liwanag at walang kadiliman, walang araw at gabi, kundi puro araw lang. Sa tingin ninyo, bakit ito tinawag na planeta bilog? Tama, dahil ang planeta ay pinananahanan ng mga hugis bilog.

Bawal ang ibang hugis, gaya ng parisukat, parihaba at tatsulok, dapat bilog lang, dahil ito ay planeta bilog. Bukod dito, may isa pang kalakaran sa planetang ito.  Ang mga araw ay kailangang mag-asawa lamang ng kapwa niya araw at sila'y magkakaanak ng araw. Samantalang, ang mga buwan ay inaasahang mag-asawa ng kapwa niya buwan at sila'y magkakaanak ng...hulaan nyo kung ano. Tama, buwan din. Naniniwala ang karamihan na magugunaw ang kanilang planeta kapag nagpakasal ang araw sa buwan.

Ganito ang kanilang kaugalian sa mahabang mahabang mahabang panahon sa planeta bilog kung saan naninirahan ang mga araw at buwan. Ngunit sa 'di inaasahang pagkakataon, may isang matipunong araw, si Adlaw, ang nabighani at umibig sa isang napakagandang buwan, si Bulan. Lingid sa kaalaman ng kanilang mga magulang, sila'y naging magkasintahan. Wagas at walang halong pag-iimbot ang kanilang pag-iibigan, at nangako silang magsasama habang buhay.

Ngunit pilit man nilang inilihim ang kanilang pagmamahalan ay natuklasan pa rin ng kanilang mga magulang. Ano sa tingin ninyo ang naramdaman ng kanilang nga magulang? Tama, nagalit sila dahil sa paniwalang magugunaw na ang planeta bilog.

Ngunit sa paglipas ng panahon, taliwas sa kanilang inaasahan, hindi nagunaw ang planeta bilog hanggang sa nagbunga na ang pag-mamahalan nina Adlaw at Bulan. Ano kaya ang ibig sabihin ng "nagbunga ang kanilang pagmamahalan"? Tama. Buntis na si Bulan at ang lahat ay nag-aantay at nangangamba sa kung anong uri ng supling magkakaroon ang mag-asawa, dahil hindi pa nangyari na ang araw at buwan ay nagkaibigan.

Matapos ang di katagalang panahon.  Dumating na ang sandaling kanilang kinatatakutan. Manganganak na si Bulan! Ang lahat ay nakaabang sa labas ng kanilang bahay at nag-iintay sa bagong nilalang na isisilang. Ano kaya ang magiging anak nila? Buwan kaya o araw? Walang nakakaalam. Lahat sila'y matyagang nag-antay ng nag-antay ng nag-antay.

Natapos na ang pananabik ng lahat at laking gulat nila nang masilayan ang unang anak ng araw at buwan. May mga namangha, may kinilabutan, may mga natuwa, mayroong napaluhod at nanalangin, at may mga nanangis din. Hindi ito bilog gaya ng mga magulang nila! Mayroon itong limang sulok na nakatutusok! "Bituin!...Bituin ang pangalan niya!" Ito ang tinig na kanilang narinig buhat kay bulan. "Bituin...ano? bituin daw...bituin daw...bituin?" Tila mga bubuyog na nagbulungbulungan ang mga araw at buwan sa planeta bilog sa labas ng bahay nina Adlaw at Bulan. Sa tanang buhay nila ngayon lang sila nakakita ng anak ng araw at buwan.

Magkagayun man, pinangalanan ng mga bagong magulang na, Bituing Marikit ang kanilang supling sapagkat bagamat maliit walang kasin tulad ang ningning at rikit. Mahal na mahal na mahal nila si Bituing Marikit. Kung kayat masayang masayang masaya ang mag-asawa sa kanilang panganay.

Nagkagulo at pinag-usapan ng lahat ng mamamayan sa planeta bilog ang unang anak ng araw at buwan, na isang bituin, na may limang sulok. Hindi nila alam kung anong gagawin sa nilalang na hindi hugis bilog, bagkus may limang sulok na nakatutusok. Nagpulong pulong ang mga may katungkulan sa planetang iyon habang nag-usap-usap ang mga mamamayang araw at buwan. Gulong-gulo ang lahat. At ang bawat isa ay hindi papayag na hindi marinig ang kanyang opinyon sa mga nangyayari. "Ang planetang ito ay planeta bilog kung kayat ang pwede lang manirahan dito ay hugis bilog. Ito ang kaugalian, ito ang nakagisnan!" Ito ang sinasabi ng marami. "Wala akong nakikitang mali sa pagkakaroon ng ibang hugis sa planeta bilog. May napakahalagang gamit din ang kanilang mga sulok lalu na sa panunungkit at panunusok." Ang sabi rin ng ilan. Nagbalitaktakan at nagtalakayan sa mahabang mahabang mahabang panahon tungkol sa pagkakaroon ng bituin sa planeta bilog. Sa lumipas na mga panahon, nagkaroon na ng laksa laksang bituin sina Adlaw at Bulan.

Matapos ang matagal na matagal na matagal na pag-iintay, sa wakas naibaba na ang desisyon. Maikli lamang ang sinabi ng tagapagsalita. "Hindi pwedeng manirahan ang mga bituin, dahil mayroon silang mga sulok at hindi nababagay sa planeta bilog. Ang kanilang paglisan ay pinag-uutos." Kung kaya, dali daling nag-alsabalutan sina Adlaw at Bulan at umalis agad sa planeta bilog kasama ang kanilang laksa laksang supling na pinangungunhan ng panganay na bituin.  Hulaan n'yo kung sino.  Tama, si Bituing Marikit.

Pag-alis nila ng planeta bilog, sa tingin ninyo saan kaya sila napadpad? Tama, malapit sa ating planeta daigdig. Parang mga buhanging nakasabog ang mga bituin sa kalawakan habang matatag na nagmamatyag sina Araw Adlaw at Buwan Bulan sa labas ng ating daigdig. Sa pagsapit ng gabi, sa pagdungaw ni Bulan sa sangkatauhan ay mapapansin ninyong namumutiktik ng mga bituin ang kalangitan. At kapag may nakita kang malaking bituin sa tabi ni Bulan, si Bituing Marikit iyon, ang kanyang panganay.

'Di magtatagal matatapos ang magdamag, sa pagsapit ng umaga nandyan na si Adlaw, at ang planeta daigdig at lahat ng narito, ay nagiging makulay na makulay na makulay na tahanan. May pula, berde, dilaw, asul at marami pang iba. Lahat ng kulay na makikita sa napakalaking kahon ng crayola ay nandito na.  Magbuhat ng manirahan sila malapit sa atin, ang ganda ganda at ang saya saya na ng ating planeta.

O ano mga bata, magbigay ng isang dahilan kung bakit gusto n'yong tumira dito sa planeta daigdig? Tama, pero bukod sa makulay, ang planeta daigdig din ay ginawa ni Bathala para sa mga bata at matanda na may iba't ibang anyo, hugis, laki at kulay. Kaya, ingatan natin ang planeta daigdig, sa ating lahat ito.

Makulay na umaga sa inyong lahat, tapos na po ang kwentuhan.

Monday, July 19, 2010

Life is Too Short

Life is too short.  Dati ko namang alam na maikli lang ang buhay pero mas naramdaman ko ito lalo kamakailan.  Probably I have lived half, if not more than half, of my entire life and I would like to spend the remaining days different from what I did before.  Thank God I feel stronger and I could spend most of them in a more meaningful way. (in the best way I can and I know).  At dahil maikli lang ang buhay wala na akong oras para:

1)  Mag-ipon at mag-impok ng negative emotions.  Marami naman talagang bagay na nakagagalit, nakadidismaya at nakalulungkot at karamihan dito ay hindi ko naman kayang kontrolin.  Ang kaya ko lang kontrolin ay ang aking nararamdaman at gagawin tungkol dito.  Kaya, if there are people who offended me binibigyan ko lang and sarili ko ng mga few minutes to feel and express the negative emotions tapos sasabihin ko, what happened happened, get over it. Restore if I could restore, if not then, gagawin ko na ang mga bagay na mas importante, sayang kasi ang nalalabing oras.

2) Mag-isip at ipaliwanag ang lahat.  Madalas maraming oras ang naaaksaya ko kasi I tried to figure things out.  Then, I realized I just spent so much time thinking about the situation.  Whatever conlusions I developed, at the end, sasabihin ko sa sarili ko, hindi pa rin ako sigurado at kuntento.  At lalu lang akong mag-iisip ng mag-iisip.  See how stupid and illogical it is. I don't need to explain or understand everything, all I need to do is to trust Him.  So a week ago, I told myself, this is the first day I stop explaining every event.  I would entrust everything to God and promise myself I would enjoy every minute of His gift.  Well, after that, I can see things clearly, that there are soooo many things I have to be thankful about and be happy about.

I always feel better when I end the day by praying like this, "Search me please, if you see any evil thoughts to hurt anyone, friends or foe, verbal or physical, rebuke me. Let me forgive those who offended and want to offend me." Sa dami nila ang hirap isaisahin, nakakatulugan ko na kaya, to be continued na lang sa umaga.  Pero tatanungin ko Siya in the morning, kanino nga ba ako natapos?  Then, I will continue the prayer for them like this, "Bless those who hate me, the same way you bless me."  (Ang mga positive things na nangyari sa akin sana maranasan din nila, idagdag pa duon sa maraming blessings nila, at iyung mga negative sa akin na lang iyon.)

Thursday, July 15, 2010

Title change

Kung napansin ninyo, nabago ang wall paper ng blog na ito.  Babaguhin ko rin ang title pero hindi ko pa alam kung ano.  I hope you would still keep reading the blog.

Wednesday, July 7, 2010

Philippine Movies Part II: Komedyante

Ang Mga Mahuhusay na Komedyante

Joey De Leon, at TVJ. Ang style ng pagpapatawa nila ay parang mga tambay na magbabarkada sa kanto o sa harap ng sari sari store. Although nagsimula sila sa mga slapstick humor, ngayong nagmatured sila, naiba na rin yung mga jokes nila. Natutuwa naman ako sa kanila. Si Vic, sakop ng style na patawanin pati mga bata, si Joey caters to matured audience at may pagka barako ang dating. Kaya siguro mas natatawa ako sa mga jokes ni Joey.  Mas-spontaneous at mas magaling sa timing and punchline. Nakakakita rin siya ng mga bagay na nakatatawa sa lahat ng sitwasyon. Comedy is in his system. Para lang siyang humihinga pag nagpapatawa. Walang effort. Brilliant!  Makikita ko rin ang dedikasyon niya sa TVJ.  Eventhough he has a name of his own, wala siyang kiyeme na suportahan ang mga comedy in Vic Sotto.  Makikita mo ang samahan at respeto nila sa isa't isa na bunga ng matagal na nilang pinagsamahan.  Para silang mag-asawa, may iisa silang reaksyon sa sitwasyon at alam agad nila kung paano ito ie-exploit para maging katawa-tawa.

Michael V. Comedy is an art for him. Although he lacks spontaneity, mataas ang level ng mga jokes niya, pinaghahandaan at pinag-iisipan. He can relate to different kinds of people, bata-matanda, may ngipin o wala, meaning coming from different social strata with different IQ levels. What about Ogie? Well, he will always be a good musician for me. Sobresaliente. (Si Bitoy hindi si Ogie)

Ai Ai de las Alas. There is something in the fez. Pumikit ka, imagine her face. Is she smiling or frowning? Her smile is contagious and uplifting. Napakadaling maka-relate ng audience. May koneksyon agad. She looks so approachable kahit hindi mo pa nami-meet. Dahil sa tagal na rin niya sa showbiz, makita mo palang si Ai Ai, mapapangiti ka at matutuwa, comedy seems her whole being. Patatawarin mo at makakalimutan mo ang mga pagkukulang niya dahil sa aliw na nararamdaman mo. Excellent.

Pokwang. Kuha niya ang masa at ang mga bading. Comedy is her profession. She works hard and will do everything to improve her craft and make the audience laugh. God may have given her fewer talent in comedy compared to others but you will reward and love her because she dedicated everything to improve her craft for the sake of entertaining the peole. Where is she right now? She comes a long way. She succeeded and she graduated Bachelor of Arts in Comedy with flying colors.

Dolphy. Da king. Comedy is his life.  Nuong maliit ako walang ibang nakakatawa kundi si Dolphy. Kahit sa lumang pelikula, Jack and Jill hagalpak ang tawa ko nuon. Very entertainning.  Pero matanda na ako kaya hindi na ako natatawa sa kanya. Pero hanggang may mga batang Pilipino may Dolphy pa rin. Vic Sotto learned a lot from Dolphy's magic at sa tingin ko pinakikinabangan niya ito.

Vice Ganda. A new breed of commedian. 100% gay humor at 100% din ang entertainment value sa lahat ng klase ng tao pero lalu na sa masa. He is able to discuss taboo topics in a humurous way kaya naman lahat bago sa paningin at pandinig ng audience. Perfect timing palagi ang punchline.  Intelihente, mulat, at may kamalayan sa mga isyu ng lipunan.  Alam ang pulso ng tagapakinig niya.  Sensitibo kung nae-entertain o nabo-bore ang audience.  He is able to make himself and the audience part of the whole group.  Parang walang barrier between him and the audience.  Kaya lang, malaswa at offensive pa rin ang dating sa akin. (Naku, matanda na talaga ako, hindi na ako sanay sa mga ganitong comedy.) Minsan din disturbing ang pang-o-okray na ginagawa niya sa contestants.

Kung ang ibang komedyante gumagamit ng sidekick para okrayin, si Vice ang audience o contestant ang sidekick niya. Hasa kasi siya sa mga comedy bars na kung saan may audience participation. Ang mga kilalang sidekick ay gaya ni Panchito, ang sidekick ni Dolphy, ang TVJ, nandiyan si Richie d' Horsie na kung saan ay nilalait lait nila. Maiba ako, minsan nanuod ako ng Funniest Home Video. Tawa naman ako ng tawa. On the second thought, nakakatawa ba kapag may nahulog, nahulugan, bumagsak, natumba, etc.?  In other words, nakakatawa ba kapag may nasaktan? Ganuon din sa humor ni Vice ganda. Nakakatawa ba na laitin mo ang contestant o audience sa harap ng national television? Lahat ba sila'y nakahanda sa ganitong pang-ookray gaya ng mga professional sidekicks? May briefing ba sila? At kung sasagot siya ng oo sa lahat ng ito, ang tanong ko uli, sigurado siya? May facts ba siya? Nagtatanong lang ako, hindi ako nang-aaway.

Lahat talaga ng bago at kakaiba minsan nakakatakot kasi hindi ganuon ka-predictable ang outcome.  Ayokong i-judge si Vice o magalit at sisihin siya dahil nakararamdam ako ng uncertainties.  But I would let the time to be the judge and find out if it is really entertaining.  Sa ngayon may bago siyang inihahain.  Bring it on.

Jose Manalo.  Siya ang sidekick ngayon ni Vic pero meron siyang sariling style.  Street comedy: pangkanto, pambarako at pambarkada.  Ito ang komedyante na nakalubog sa masa.  Bukod sa napakagaling din niya sa punchline ay napakahusay rin ng galaw ng katawan.  Siguro ito ang kakanyaan niya.  Hindi lang verbal ang kanyang comedy, kinesthetic din.  May edad na siya pero ang galaw ng katawan ay parang 12 years old na nagbibinata at may ADHD.  (Positive ang gusto kong sabihin, wala lang akong mahagilap na salita para i-describe siya.)  Kaya lang halatang tuso.  It seems, he will only support bossing but not the other comedians, especially yung medyo ka-level niya.

Kris Aquino.  O e bakit napasama siya rito?  Hindi siya mahusay na dramatic actress at hindi rin naman komedyante.  Oo, hindi nga pero isa siyang brilliant host. (Take note, hindi excellent, dahil hindi rin naman siya masyadong magaling sa hosting.)  Bubbly and very articulate.  Walang ka-effort-effort.  Lahat ng gawin, sabihin, isuot ni Kris sinusundan ng masa.  People despise her and at the same time love her dahil lahat ng ito nakaka-entertain sa kanila.  Her total package is entertainment.  And that is the ultimate purpose of showbussiness, entertainment.  Imagine showbiz without Kris Aquino.  It's so lame!

Gaya ng nasabi ko, hindi conclusive ang aking mga puna dahil limitado ang aking exposure sa showbiz.  Pero sa limitadong oras na binibigay ko rito, para mapansin at makuha ng isang artista ang aking atensyon kahit trailer lang ang napanuod ko, palagay ko magaling siya.

Tuesday, July 6, 2010

Philippine Movies Part 1

The doctor said no heavy lifting and no housework until after 6 weeks.  So the usual activites I did while recuperating is watching TV and internet aside from answering sudoku puzzle.  Lahat na yata ng klase ng sudoku nasagutan ko na.  Sa panunuod ko naman may nabuo akong mga puna.

Philippine movies

Hindi malalim ang aking pagkakaunawa sa mundo ng showbiz at hindi malawak ang sakop ng aking kaalaman sa paksang ito kung kayat ang aking mga puna ay nakabatay lamang sa limitado at pahapyaw na panunuod sa mga ilang pelikula. 

Sa napansin ko, marami na palang nagawang magagandang pelikula sa ngayon.  Mahusay ang script pati ang production design.  Maayos ang kulay ng pelikula pati ang visual effects.  Bagamat hindi pa rin napapantayan ang ganda ng visual effects sa hollywood, malaki ang iniunlad ng technical aspect kung ikukumpara nuong 80's at 90's.  Marami na ring mahuhusay na artista pati na rin ang mga direktor at script writer na mataas ang kamalayan sa gender sensitivity at social issues.

Naaaliw ako sa ilang mga pelikulang na-produce ng star cinema,  melodrama at heartwarming ang dating, parang 50's at 60's uli.  Ilan dito ay iyong mga pelikula ni John Lloyd Cruz at Bea Alonzo.  Sa isip ko, kung ang mga ganitong pelikula ay pinaghuhusayan nila paano pa iyung mga de kalibre o panlabang pelikula, e di mas mahusay at mas maganda.  Medyo nawala kasi ang mga ganitong tema nuong 80's at 90's. 

Nuong maliit pa ako, tuwang tuwa ako kapag naunuod ako ng mga lumang pelikula, during 50's at 60's, sa channel 7 (pelikula nuong 40's, ilan duon pinalalabas sa channel 4) pagkatapos ng student canteen,  kahit paulit-ulitin pa yan 5 beses isang linggo pinanunuod ko pa rin.  Diyan ko nakita at hinangaan ang mga artista nu'ng araw. Tuluyan akong nasiphayo at nawalan ng gana sa pelikulang pilipino nuong 80's at 90's.  Too bad pero wala akong natandaang kahanga hanga.  Siguro merong magilan ngilan pero hindi ko napanuod. Ang napanuod ko sa sinehan nuon na tumatak sa isip ko dahil sa dami ng taong nanuod ay Dear Heart ni Sharon at Gabby, matapos nuon bibihira na akong manuod ng sine.  Wala rin naman akong pampanuod pero kung may magandang sine pipilitin ko rin naman.

Pero ngayon, unti unting bumabalik ang tiwala ko sa pelikulang pilipino.  Mas naging creative yung mga script writers.  Nag-e-experiment at nag-e- explore sila ng mga tema na hindi karaniwang napag-uusapan.  Karamihan kasi ng tema ay tungkol lang sa, boy meets girl - they had problems- but live happily ever after in the end. Kamakailan, napanuod ko ang Crying Ladies, Ang Pagdadalaga ni Maximo Oliveros.  O di ba, kakaiba at nakakaaliw ang dalawang ito? Napakahusay ng script pati ang pagkakagawa ng pelikula.  Dalawa lang iyan sa ngayon na napanuod ko pero may impact agad kung paano ko nakikita ang narating ng pelikulang pilipino.  Nakatutuwa din na nagkaruon ng mga indie films or short films (pareho ba yun? what's the difference?).  Palagay ko malaki ang naiambag nito sa pag-angat ng pelikulang pilipino bilang sining at hindi isang  negosyo. Good job.


Actors and actresses

May mga hinahangaan akong artista dahil sa husay at galing nila sa pag-arte.  (Wow, feeling expert sa field na 'to.  Pabayaan nyo na ako anyway blog ko 'to.) Ilan ito sa mga hinahangaan kong artista,  according to what comes first in my mind.

Nora Aunor,  magaling magtapon ng linya pero kahit hindi nagsasalita lumalabas ang emosyon.  What about Vilma Santos?  She has above average acting ability almost perfect but not as extraordinary as Nora's.
Gina Alajar, nakakalimutan ko ang screen name niya at ang tanging nakikita ko ay ang papel na ginagampanan niya kahit trailer lang ng pelikula ang napanuod ko.  Yung anak niyang kaunti lang ang buhok, hindi ko alam kung ano ang pangalan, ay isang napakahusay na aktor din.
Lolita Rodriguez, veteran actress but worth mentioning kung babanggitin ang mga mahuhusay na aktres
Cesar Montano,  ang male version ni Gina Alajar,  nawawala ang pangalang Cesar Montano kapag umaarte at napapalitan ng pangalan ng papel na kanyang ginagampanan.  Also, his stance makes him owns the screen at hindi mo na mapapasin ang iba pa niyang kasama. Ganuon kalakas ang kanyang screen presence.  An actor in the truest sense of the word.
Christopher De Leon,  he has so much to give in acting kaya minsan kailangan niyang kontrolin ang emosyon.
John Lloyd Cruz, napakagaling mag-emote, tulo agad ang luha.  Kaya lang minsan 'yung balde baldeng luha ay hindi tugma duon sa hinihingi ng istorya.  Kumbaga 'yung luha niya ay parang namatay at naubos ang buong angkan niya, iyon pala simpleng misunderstanding lang sa girlfriend niya.  Pero magaling siya at malaki pa ang pwede niyang i-improve.  Pinaghalong Chrispher de Leon at Dindo Fernando ang dating.

Saturday, July 3, 2010

Pre and Post Medical Procedure Events

Matagal-tagal din akong hindi nakapag-post I underwent my first surgery, hysterectomy.  Tinanggal ang uterus kasi ito yung nagiging sanhi ng pagbaba ng hemoglobin ko.  After the surgery I felt I was reborn.  Kakaibang sigla yung nararamdaman ko.  Ibang-iba duon sa pakiramdam ko before the procedures.

Well here are the prior events.  Mga bandang February, Friday, kinailangan kong pumunta sa duktor kasi may chill akong nararamdaman.  Although malamig pa naman ang buwang iyon pero yung chill mukhang galing sa loob, so nagpunta ako sa duktor.  Since walk-in lang ako, nag -intay ako ng mga mahigit 2 oras.  After I told her how I feel, sabi ni doc you can pee.  Why? I don't feel like it, sabi ko naman.  I-check daw ang urine, Ah, okay. Tsinek  yung urine ko.  After few minutes, sabi nya may infection daw ako so binigyan niya ako ng antibiotics.  Tapos sabi iche-check daw yung blood pero sa Monday pa makukuha ang result.

Come Monday, dapat may training ako pero hindi ko pa talaga kaya.  Tinatawagan ako ng duktor para magreport sabi ko hindi ko pa kaya.  Medyo mapilit so sabi ko oo, baka kako after lunch e okay na iyong pakiramdam ko.  Pero hindi pa rin hanggang sa nakatulog na ako at lumipas ang oras at nakalimutan ko na ang appointment ko.  So Tuesday, maigi na yung pakiramdam ko.  Pagkatapos ng klase ko sa umaga nagpaalam na ako para kunin 'yung blood lab work dahil kako mukhang nagmamadali yung office ng doctor.  Sabi ng head ko ganun daw talaga pag may lab work tinatawagan nila.  So sabi niya umattend daw muna ako ng training sa benchmark test dahil may test kinabukasan.  Okay.  So pagkatapos ng training nagpaalam na ako na pupunta ako sa duktor at pinayagan naman ako.

In other words, dumating ako sa office mga past 1 pm.  Habang nag-iintay nakatulog ako.  Lumapit ako sa receptionist tinanong ko kung tinawag yung pangalan ko kasi nakatulog ako.  Sabi niya hindi pa raw.  Natawag ako mga almost 4 pm, at duon na niya sinabi na kailangan kong pumunta sa emergency in any hospital for blood transfusion.  Sabi ko pwede bang Saturday na kasi may testing pa kami.  Sabi niya pwede raw bukas.  Pero nung dumating ako sa bahay sabi ng supling ko, mababa raw talaga ang hemoglobin at kailangan kong pumunta ng ospital.  Sa madali't salita, natapos ang blood trnsfusion pero hindi pa rin nagnormal ang hemoglobin.  So ni-refer ako sa hematologist at ob gyn.

The hematologist recommended an iron transfusion.  I did and after two weeks nag-pick up na yung blood sa normal level.  Kaya sabi niya it is a case of iron deficiency anemia.  At last may diagnosis na rin ako.  May tawag na sa lahat ng nararamdaman kong panghihina atbp.  Ganuon pala kahalaga ang label, para akong nakahinga ng maluwag after these past years dahil may paliwanag sa lahat ng ito. 

Maalala ko when I was at work in the Philippines about 2001 or 2002, I almost fainted.  Sabi baka raw sa dugo.  So I went to the doctor and check my blood.  Pinainom ako ng ferrous sulfate but there is no diagnosis given.  I remember I went to an ob gyn also and she said that I have 6 fibroids about 1 cm but nothing to worry because its benign and small.  2003, bago umalis ng bansa may medical check up.  Binigyan ako ng prescription na ferrous sulfate for 1 month (I think) .  Duon ako nagkahinala na anemic ako, whatever that means, kailangan ko lang uminom ng vitamins and that's all I have to do (that was my assumption).  Kaya ngayon finally sinabi sa akin ng duktor yung diagnosis after discussing all the symptoms, it is a good relief. 

Kailangan malaman kung bakit bumababa ang dugo ko so I went to an ob gyn.  Duon niya sinabi sa akin na huwag magtatrabaho o maglalalakad kapag ang hemoglobin ay level 5 kasi anytime pwede kang mamatay.  Since when?  Kailan pala nagsimula na anytime I could die?  Thank God for the infection or else hindi ko malalaman na urgent yung health issue.  Thank God also for helping me make it through kasi still, I was able to work and be productive with this physical condition and the doctor sounded that it seemed impossible.  After that, I notice that every event falls in its proper places.

Well anyway, she checked me up.  She said I have more than 10 fibroids, uterus is enlarge and distorted in shape and abdominal hysterectomy is recommended.  Sabi ko, so be it.  Pero nuong malapit na ang surgery at naiisip kong para akong baboy na kakatayin, apprehensive ako, baka pwedeng next year na lang.  Pero naisip ko, ngayon pa ba?  Kung nuon na nasa bingit ako ng kamatayan sa mahabang panahon ay wala namang nangyaring masama sa awa ng Diyos ngayon pa ba ako hindi magtitiwala sa Kanya?  Go! Katay kung katay.  Ang mahalaga mawala ang mabigat na dinadala.

Aside from that, everything happened in its proper time.  Bakasyon ngayon.  Ang mga bata nasa bahay. (Tama 'yung sinabi ng pastor's wife) Tapos, nakunsumo ka na iyong deductible ko.  Kung next year pa, another deductible na naman di ba?.  And so it happened.  Right after the surgery, I feel I am perfectly all right which I never felt for a very long time.

Nuong nagbabalik tanaw ako, I realize I have all the reasons to feel pain.  Una, level 5 ang hemoglobin at 1 ang ferretin ( protein that stores iron,  10-200 ang normal).  Nung tinatanong ako ng hematologist, kung masakit and likod, batok, ulo.  Sabi ko hindi.  Parang natitigilan at parang nag aantay na may sabihin akong masakit.  Gusto ko naman siyang i-please kaya sabi ko, "Once in a while I have headache."  True naman siya.  Sa isip isip ko gusto ko sanang itanong, "Okay na ba yung sagot ko?"  Pero bigla siyang tumawa, at sinabing,  "You have very low hemoglobin and you have only once in a while head ache?"  So du'n ko nahinuha na dapat sumasakit ang ulo ko nang madalas.  Next, I have a huge uterus with multiple fibroids.  Tanong ng duktor, kung masakit 'yung lower back, lower abdomen etc.  Sabi ko, no.  Then she said,  some women feel pain, some don't.  Thank God, I don't.  Third, pagkatapos ng procedure,  sabi nang duktor mayroon din daw endemetriosis,  kung wala daw ba akong nararamdamang pain before.  Sabi ko, wala.  Sabi rin niya some women don't feel pain, which logically yung iba merong pain. (The doctor told me about this during her first visit after the procedure.  Pero I asked her again during the follow up visit, sabi niya wala raw endemetriosis)  Lastly, work related stress.  Siguro sa mga pinagdadaanan ko sa trabaho I should have felt chest pain, back ache, head ache at marami pang iba.  Siguro sabi Niya kung mararamdan ko pa ang mga ito baka hindi ko na kayanin.  Hmm...Pero, ako lang naman ang nag-iisip nu'n, sa totoo lang malay ko ba kung ano talaga ang iniisip Niya. Wala na akong pakialam du'n at kailan man hindi ko malalaman.  Not for me to find out but for me to praise Him.

Maalala ko nga pala.  Mayron din akong allergy.  Every morning, nag-i-sneeze ako ng average of  5X pag gising ko sa umaga uminom man o hindi ng anti allergy.  Nag-sneeze din ako pag lumalapit yung mga pet dog kasi allergic din ako sa kanila.  So, isang fear ko din, mahihirapan akong mag-sneeze matapos ang operasyon at sariwa pa yung tahi at hindi naman maiiwasan dahil yung mga pet ay nasa loob ng bahay.  But you know what?  My last sneeze was the morning before the operation.  Ang sumunod na nag-iisang sneeze ay 2 weeks after the operation, which is hindi na masyadong masakit.  To my surprise, I am not taking any antiallergy medication dahil I don't feel I need it and to top it all, in the afternoon while taking a nap, madalas kong katabi at nakaunan sa aking braso si Mayumi Haliparot, (ang aming mexican chihuahua), na hindi ko magawa nuon dahil sa allergy.  Did they put anti allergy medication in the dextrose or it is by God's grace kaya wala akong allergy?  This is something I need to ask the doctor about.

Bakit ko ba kailangang isulat ito sa blog?  Kasi I have experienced a lot of miracles pero 'yung iba nakakalimutan ko na.  Isa pa, may  mga  sinulat akong tula at maikling kwento nuon pero nawawala at nalilimutan ko na rin.  This is the main purpose of this blog, although not the only reason, para ma-preserve.  Dahil minsan I need to read it again and be reminded of how good He is to everybody.  He is no respector of person.  His thoughts and ways are much higher than us.  Kaya, I would be posting old essays, poems and short stories. (Kung may oras pa ako)

I hope also that some people would benefit from this.

Monday, May 31, 2010

It's a brand new day

It's a brand new day (2X)
The Lord made it and I will rejoice
It's a brand new day (2x)
The Lord made it and I will rejoice


I am a day closer to His promise
He will make a river in the dessert
and a highway in the ocean
It's a great day and I will rejoice


Today is much better than yesterday
Another day to love and forgive
Another day for God's mercy and grace
It is a  great day and I will rejoice


My praise is sweeter than the old days
My God I will bless anew
Though He never changes,
Each day He made is brand new

       

Tuesday, May 25, 2010

Mga Iglap: Hillsong, Osteen, Wowowee

Wowowee...
Minsan may mga contestants ang wowowee (indefinite leave pa rin so Willy Revillame)  na mga Filipinong may asawang foreigners.  Napuna ko lang, yung mga hosts, palagi silang nagpapasalamat at pinakasalan ng mga foreigners yung mga Filipina.  E, bakit hindi kaya magpasalamat yung foreigners at pinakasalan sila nung Pinay?  Para bang may nababanaag akong hindi pantay na tingin sa mga foreiners at mga Filipino. Mas mababa ang mga Filipino sa sarili niyang bayan? sa mata ng kapwa nya Filipino?  Tanong lang naman.

Joel Osteen...
May mga ilang tao na napaka cynical ng kanilang pananaw sa mga megachurches, isa na rito ay ang Lakewood Church na kung saan si Joel Osteen ay isang senior pastor.  Sabi nila, isa lang siyang motivational speaker.  Sa pananaw ni Osteen, he has gift of encouragement, which I agree.  Sa tingin ko depende lang kung anong lente ang ginagamit mo.  Coming from secular perspective, yes it is motivation.  Coming from religious perspective, yes it is a gift of encouragement.

Jodie Osteen ...
Nu'ng una kong makita si Joel Osteen sa TV mag preach, sabi ko, I have never seen a preacher with so much annointing.  "A pastor with a million dollar smile.", that is how I describe him.  Madalas niyang banggitin ang kanyang ama na isa ring pastor.  Naisip ko, God must doubled the father's annointing and poured them to Joel. Well, not until I saw Jodie Osteen, his mother, preach for few minutes,  I was blown away.  She has so much glory, full of wisdom and compassion, I think she has more annointing than Joel.  (LOL,  I-compare daw ba? Well blog ko to I'm allowed to say ridiculous things)

Australians and the Americans ...
The Americans are blessed with annointed pastors, possessing different gifts, especially wisdom.  Benny Hinn,  Joyce Meyer,  Hagee,  TD Jake, Price, Murdock among others.  (at napakarami pa).  But the Hillsong Church from Australia is blessed with powerful worship and praise ministry. The music and songs possess simplicity, sincerity and vulnerability yet full of life and power.  Just look at the way the worhsippers praise God. (try youtube) What can I say, I'm eating my heart out, but, AWESOME!

Sunday, May 16, 2010

His grace is overwhelming

I went to the doctor for further tests to rule out other diagnosis for having iron deficiency anemia last Monday. One of the things she told me is I should not be walking around or working when my hemoglobin is at level 5 (the normal level is 12) and she told me, with this level, I could die anytime. She mentioned this, two times in our conversation in this area. I know she didn’t mean to scare me, but she noticed in the record that it takes about a week from the time of the blood lab work to the time I had a blood transfusion. And the reason of the blood test is not even related to anemia.


Anyway, that hit me. I know that level is low. I know I was sick but I didn’t know I was literally dying each day. I was humbled because I know this condition has been going on for years. Therefore, I was thinking, for how many days or weeks I could die anytime? I couldn’t sleep that night and tears of thanksgiving and humility flowed from my eyes. His grace overwhelmed me.

Naalala ko noong summer 2009 marami akong plano how to spend the vacation but I was not able to do much kasi pagkatapos ng konting trabaho, gaya ng paghuhugas ng plato at paglalakad ng konti sa treadmill pagod na agad ako. At ganuon naman ang kondisyon ko sa maraming taon. That is why I thought it was just normal to feel tired everyday.

Pero ang natandaan ko, bago magpasukan, nanunuod ako ng Benny Hinn, a pastor who has a gift of healing and gift of knowledge. May sinabi siya tungkol sa isang sakit or body weaknesses, honestly I forgot, pero ang alam ko deep within, ako ‘yun. He prayed. Then, I remember a sudden rush of strength flowed in my body. Sabi ko, I was blessed and I was healed by God.

Pero nagpasukan na. Nagpatuloy pa rin yung panghihina ko. There are days I had to drag myself to work. Mag turo ako ng 30 minuto, hinihingal na ako. Maglakad ng konti pakiramdam ko, mamatay na talaga ako. Pero kahit ano pa ang pakiramdam ko, gigising ako sa umaga magpupuri at magpapasalamat sa bagong araw na binigay Niya at sasabihin ko sa Kanya give me strength please and I expect a miracle today Lord. Maraming beses na lilipas ang mga araw pakiramdam ko sa halip na milagro ang nakuha ko ay tila parang mga kabiguan. Sa kahinaang nararamdaman ko, hindi lang isang beses na sumagi sa isip ko na parang pinabayaan na Niya ako. Pero sasabihin ko sa Kanya, I trust you Lord.

Kaya nuong sinabi sa akin ng duktor, “With a level 5 of hemoglobin you could die anytime.” I was looking at her in shock. Nuong gabing iyon hindi ko mapigilang hindi umiyak, hindi sa takot kundi sa realization na He never left me. He was there all along and each day indeed is a miracle of life from God. He gave strength generously to sustain me. With my physical condition, I was still standing, working and productive whereas the doctor said, it shouldn’t be that way.

Truly, the steadfast love of the Lord and His mercy never cease. They are new every morning.

Tuesday, May 11, 2010

Happy Mother's Day Nanay

Gusto kong batiin ng happy mother's day ang nanay ko.  I have not seen a woman with a character close to hers.  She is one of a kind.  I have not seen her fought with anybody, verbally or physically, but no doubt in my mind that she is a fighter in life. She is a woman of strength and of character.  She is unconventional yet at the same time practical.  Minsan sinabihan siya ng lolo ko na hindi na siya pag-aaralin sa kolehiyo kasi babae naman siya at mag-aasawa lang.  Tanggap ang ganuong kaisipan nuong panahon na iyon sa lugar na iyon pero hindi ng nanay ko.  Sinikap niyang mag-aral sa kabila ng kahirapan.  Lumuluwas ng Maynila at nakikitira at nakikisama sa mga kamag-anak para makapag-aral hanggang sa makatapos.  Walang nagawa ang lolo ko kundi gawin ang kanyang makakaya bilang pesante upang makapag-aral si nanay.  Saan na kaya kami ngayon kung hindi naging matigas ang ulo niya?

Hindi mo mapapalabas ng bahay ang nanay ng hindi naka-lipstick, curvaceous din ang kanyang katawan at napakabusisi sa pag-aayos ng sarili, but I know, she is emotionally stronger than most men I know . Hindi takot sa kahit na anong hayop.  Hindi sumisigaw pag nakakita ng ipis, ahas, daga o gagamba.  Pag ako ang sumigaw, sasabihin niya, "para yan lang, mas malaki ka pa diyan." Nuon daw, pag naglalakad sila ng tatay ko sa pilapil, madalas silang nakakasalubong ng ahas.  Si tatay raw ang unang napapalundag, ang nanay cool lang.  Hindi rin siya takot sa dilim, hindi rin takot sa multo. Hindi naniniwala sa mga pamahiin. Hindi relihiyoso.  Naging palasimba ang nanay ko, nuong nagsimba na 'yung mga anak niya. Kaya ngayon alam ko na kahit saan ako makarating may intercessor ako. Hindi mahilig makining o manuod ng drama sa radyo o telebisyon gaya ng ibang ginagawa ng karamihan ng nanay sa lugar namin. Hindi natatakot sa horror movies. Pag ako natatakot, sasabihin niya, tinatakot mo ang sarili mo.  Hindi nagbabasa ng komiks.  Walang hilig sa artista.  Hindi ko narinig kung si Vilma ba o si Nora ang gusto niya.  Hindi nakikiumpok para pag-usapan ang buhay ng may buhay.  (Hindi ko sinasabing mali iyon.  Ang sinasabi ko kakaiba siya.)  Pero ngayong matanda na siya.  libangan niya ang manuod ng telenobela.  Minsan naisip ko, macho siya. 

Sa kahirapan ng buhay hindi siya sumuko.  Sisiguraduhin niyang may pagkain sa hapag kainan kesehodang magkautang utang.  Maparaan at masinop din siya.  Lahat tinatabi, sasabihin niyang mapapakinabangan 'yan pagdating ng panahon. Kaya kahit may pamilya na ang kuya ko pati scratch paper sa school ni kuya hindi pa rin niya tinatapon.  At nuong mahigit 60 years old na siya parang bodega na 'yung bahay namin. 

Nuong grade four ako, lumipat kami sa Maynila, nuon lang ako nagbasa ng ingles na libro kaya hindi ko naiintindihan ang homework ko.  Babasahin sa akin ni nanay bawat sentence ng short story at ita-translate niya isa isa hanggang sa mga tanong para lang maitindihan ko at may homework ako kinabukasan.  Hanggang mag college ako, nakaalalay siya sa akin.

Mahirap nuong teen-ager ako at nagme-menopause siya.  Pareho kaming uptight sa buhay. Sasabihin lang niya sa akin magkakaanak ka rin at maiintidihan mo rin kung ano ang nararanasan ko. Tama nga siya.  Kung nuon napaka-critical at judgmental ko sa kanya, ngayon naa-appreciate ko lahat ng sakripisyo niya sa aming magkakapatid. 

Sa muli, sa aking nanay at lahat ng nanay sa buong mundo, happy mother's day.  I love you nanay.

Sunday, May 2, 2010

Faith

"Faith is the substance of things hope for, the evidence of things not seen."  Hebrew 11:1

Sabi ng worship leader, "Every battle has been won!.  We are all victorious!" 

Ano sa tingin ninyo, ito kaya ay "simple declaration of faith" or " an expression of arrogance"?  Kailan kaya ito nagiging pagpapahayag ng pananampalataya o isang simpleng kayabangan lamang? 

Depende siguro sa tumitingin.  Kung ang tumitingin ay hindi mananampalataya at hindi alam na kailangang ipahayag ng bibig ang katagumpayan ang lahat ng ito ay kabalintunahan at kayabangan para sa kanya.

Thursday, April 29, 2010

Paglalakbay part II

Sa muling paglalakbay ng diwa ko, ito ang nabuo ko.


My Beloved
alon


Do not ask me my Lord,
How much I love you.
Do not ask me my God
Do I need you like before.
Be You all-knowing,
You have discerned the answer
You are my Beloved
whom I longed and belong
In the depths of pit,
You lifted me up
You embraced me tight
In the cold winter night
And in the midst of fire,
You went through with me
You hold me up high,
When water is above me
From the trench I’ve been,
You made me an eagle
And placed me high above
On the grandest mountain
When my head is covered
With reproach and wrongdoings,
Your blood spoke "sold!"
And marked my heart “forgiven”!
Who would need you more, oh Lord
But the one with greater sins
Who would love you more, my God
But the one you have absolved
Who would tarry and wait
‘till you have risen?
Is it Peter, Mark and James,
Or Mary Magdalene?
Oh, at times, you chastise me
But I do not complain.
‘Though, you slay me,
Yet to you I will lean.
In the wee hour,
I will get up and listen.
I shout praises to your name
Before the sun comes shining.
Before the daylight birds sing,
Worships to your name,
I’d lift my hands up
Where the wind is residing
You are my reason to give;
You are my reason to live.
Arise my Love, 
Let us commune together

Wednesday, April 28, 2010

Sa Aking Paglalakbay

Minsan may grupo ng mga taong simbahan, mga seminaristang lalaki at babae, ang nagpasama sa isang organizer para mag-bar hopping. Gusto nila marahil ng exposure o mag-interview ng mga babaing nagtatrabaho sa bar. Sa paglipas ng gabing iyon, umuwing nag-hihinanakit 'yung organizer. Sabi niya, sa bawat bar na pinuntahan nila, tinatanong palagi ng mga seminarista sa mga babaing nagtatrabaho sa bar kung nagsisimba sila. Hindi niya ito nagustuhan. May mga ilan pa rin siyang reklamo pero hindi ko na matandaan.

Hindi ko alam kung ano ang sinagot ng mga bar women. Hindi namin napag-usapan at hindi naman kami interesado. Pero nauunawaan ko ang kanyang pakikisimpatya sa mga bar women. Habang nasa kalagitnaan siya ng kanyang pagkukuwento naglakbay ang diwa ko.

Naisip ko, kung hindi sana mahigpit ang belong nakapiring sa kanilang mga mata, marahil hindi na nila ito itatanong. Marahil kung hindi sana makapal ang fake eyelashes na suot-suot ng mga bar women maaaninag nila ang mabuting puso ng mga seminarista sa halip ng mga bilang ng basong nasa ibabaw ng mesa.

Minsan ko na silang pinagmasdang magsayaw habang tinatanggal isa isa ang saplot sa kanilang katawan sa saliw ng tugtuging Total Eclipse of the Heart. Sa bawat piraso ng telang nahuhubad, sa bawat balat na lumalantad sa aking harapan hanggang sa makita ko na lahat, lalu kong naintindihan na wala naman palang masyado pagkakaiba ang mga kababaihan saan mang lugar, anuman ang kalagayan at katayuan sa buhay. At kung tatanggalin mo pa ang balat at mga kalamnan sa bawat kababaihan, tuluyan ng mawawalan tayo ng pangalan, lahi o katayuan sa lipunan at makikita mong lahat tayo ay isang grupo lang ng kalansay.
(Ganuon din naman ang kalalakihan, pero hindi naman sila ang paksa ko.)

Tuesday, April 27, 2010

Jesus, I love you

When the doctor told me that everything is normal in the lab result.  I wrote this song out of gratitude.  But weeks before that, I was already worried about my health because the hemoglobin is not picking up to normal level even after transmissions. God has the prerogative whom He would heal.  It is not because of me but because of who He is.


Jesus I love you

His love I cannot fathom
Its depth I cannot measure
Its breadth I cannot embrace
Its much much much higher than the sky

Jesus, we adore you
Jesus, we magnify you
Jesus, we really love you
I love love love love you Lord.