Matagal-tagal din akong hindi nakapag-post I underwent my first surgery, hysterectomy. Tinanggal ang uterus kasi ito yung nagiging sanhi ng pagbaba ng hemoglobin ko. After the surgery I felt I was reborn. Kakaibang sigla yung nararamdaman ko. Ibang-iba duon sa pakiramdam ko before the procedures.
Well here are the prior events. Mga bandang February, Friday, kinailangan kong pumunta sa duktor kasi may chill akong nararamdaman. Although malamig pa naman ang buwang iyon pero yung chill mukhang galing sa loob, so nagpunta ako sa duktor. Since walk-in lang ako, nag -intay ako ng mga mahigit 2 oras. After I told her how I feel, sabi ni doc you can pee. Why? I don't feel like it, sabi ko naman. I-check daw ang urine, Ah, okay. Tsinek yung urine ko. After few minutes, sabi nya may infection daw ako so binigyan niya ako ng antibiotics. Tapos sabi iche-check daw yung blood pero sa Monday pa makukuha ang result.
Come Monday, dapat may training ako pero hindi ko pa talaga kaya. Tinatawagan ako ng duktor para magreport sabi ko hindi ko pa kaya. Medyo mapilit so sabi ko oo, baka kako after lunch e okay na iyong pakiramdam ko. Pero hindi pa rin hanggang sa nakatulog na ako at lumipas ang oras at nakalimutan ko na ang appointment ko. So Tuesday, maigi na yung pakiramdam ko. Pagkatapos ng klase ko sa umaga nagpaalam na ako para kunin 'yung blood lab work dahil kako mukhang nagmamadali yung office ng doctor. Sabi ng head ko ganun daw talaga pag may lab work tinatawagan nila. So sabi niya umattend daw muna ako ng training sa benchmark test dahil may test kinabukasan. Okay. So pagkatapos ng training nagpaalam na ako na pupunta ako sa duktor at pinayagan naman ako.
In other words, dumating ako sa office mga past 1 pm. Habang nag-iintay nakatulog ako. Lumapit ako sa receptionist tinanong ko kung tinawag yung pangalan ko kasi nakatulog ako. Sabi niya hindi pa raw. Natawag ako mga almost 4 pm, at duon na niya sinabi na kailangan kong pumunta sa emergency in any hospital for blood transfusion. Sabi ko pwede bang Saturday na kasi may testing pa kami. Sabi niya pwede raw bukas. Pero nung dumating ako sa bahay sabi ng supling ko, mababa raw talaga ang hemoglobin at kailangan kong pumunta ng ospital. Sa madali't salita, natapos ang blood trnsfusion pero hindi pa rin nagnormal ang hemoglobin. So ni-refer ako sa hematologist at ob gyn.
The hematologist recommended an iron transfusion. I did and after two weeks nag-pick up na yung blood sa normal level. Kaya sabi niya it is a case of iron deficiency anemia. At last may diagnosis na rin ako. May tawag na sa lahat ng nararamdaman kong panghihina atbp. Ganuon pala kahalaga ang label, para akong nakahinga ng maluwag after these past years dahil may paliwanag sa lahat ng ito.
Maalala ko when I was at work in the Philippines about 2001 or 2002, I almost fainted. Sabi baka raw sa dugo. So I went to the doctor and check my blood. Pinainom ako ng ferrous sulfate but there is no diagnosis given. I remember I went to an ob gyn also and she said that I have 6 fibroids about 1 cm but nothing to worry because its benign and small. 2003, bago umalis ng bansa may medical check up. Binigyan ako ng prescription na ferrous sulfate for 1 month (I think) . Duon ako nagkahinala na anemic ako, whatever that means, kailangan ko lang uminom ng vitamins and that's all I have to do (that was my assumption). Kaya ngayon finally sinabi sa akin ng duktor yung diagnosis after discussing all the symptoms, it is a good relief.
Kailangan malaman kung bakit bumababa ang dugo ko so I went to an ob gyn. Duon niya sinabi sa akin na huwag magtatrabaho o maglalalakad kapag ang hemoglobin ay level 5 kasi anytime pwede kang mamatay. Since when? Kailan pala nagsimula na anytime I could die? Thank God for the infection or else hindi ko malalaman na urgent yung health issue. Thank God also for helping me make it through kasi still, I was able to work and be productive with this physical condition and the doctor sounded that it seemed impossible. After that, I notice that every event falls in its proper places.
Well anyway, she checked me up. She said I have more than 10 fibroids, uterus is enlarge and distorted in shape and abdominal hysterectomy is recommended. Sabi ko, so be it. Pero nuong malapit na ang surgery at naiisip kong para akong baboy na kakatayin, apprehensive ako, baka pwedeng next year na lang. Pero naisip ko, ngayon pa ba? Kung nuon na nasa bingit ako ng kamatayan sa mahabang panahon ay wala namang nangyaring masama sa awa ng Diyos ngayon pa ba ako hindi magtitiwala sa Kanya? Go! Katay kung katay. Ang mahalaga mawala ang mabigat na dinadala.
Aside from that, everything happened in its proper time. Bakasyon ngayon. Ang mga bata nasa bahay. (Tama 'yung sinabi ng pastor's wife) Tapos, nakunsumo ka na iyong deductible ko. Kung next year pa, another deductible na naman di ba?. And so it happened. Right after the surgery, I feel I am perfectly all right which I never felt for a very long time.
Nuong nagbabalik tanaw ako, I realize I have all the reasons to feel pain. Una, level 5 ang hemoglobin at 1 ang ferretin ( protein that stores iron, 10-200 ang normal). Nung tinatanong ako ng hematologist, kung masakit and likod, batok, ulo. Sabi ko hindi. Parang natitigilan at parang nag aantay na may sabihin akong masakit. Gusto ko naman siyang i-please kaya sabi ko, "Once in a while I have headache." True naman siya. Sa isip isip ko gusto ko sanang itanong, "Okay na ba yung sagot ko?" Pero bigla siyang tumawa, at sinabing, "You have very low hemoglobin and you have only once in a while head ache?" So du'n ko nahinuha na dapat sumasakit ang ulo ko nang madalas. Next, I have a huge uterus with multiple fibroids. Tanong ng duktor, kung masakit 'yung lower back, lower abdomen etc. Sabi ko, no. Then she said, some women feel pain, some don't. Thank God, I don't. Third, pagkatapos ng procedure, sabi nang duktor mayroon din daw endemetriosis, kung wala daw ba akong nararamdamang pain before. Sabi ko, wala. Sabi rin niya some women don't feel pain, which logically yung iba merong pain. (The doctor told me about this during her first visit after the procedure. Pero I asked her again during the follow up visit, sabi niya wala raw endemetriosis) Lastly, work related stress. Siguro sa mga pinagdadaanan ko sa trabaho I should have felt chest pain, back ache, head ache at marami pang iba. Siguro sabi Niya kung mararamdan ko pa ang mga ito baka hindi ko na kayanin. Hmm...Pero, ako lang naman ang nag-iisip nu'n, sa totoo lang malay ko ba kung ano talaga ang iniisip Niya. Wala na akong pakialam du'n at kailan man hindi ko malalaman. Not for me to find out but for me to praise Him.
Maalala ko nga pala. Mayron din akong allergy. Every morning, nag-i-sneeze ako ng average of 5X pag gising ko sa umaga uminom man o hindi ng anti allergy. Nag-sneeze din ako pag lumalapit yung mga pet dog kasi allergic din ako sa kanila. So, isang fear ko din, mahihirapan akong mag-sneeze matapos ang operasyon at sariwa pa yung tahi at hindi naman maiiwasan dahil yung mga pet ay nasa loob ng bahay. But you know what? My last sneeze was the morning before the operation. Ang sumunod na nag-iisang sneeze ay 2 weeks after the operation, which is hindi na masyadong masakit. To my surprise, I am not taking any antiallergy medication dahil I don't feel I need it and to top it all, in the afternoon while taking a nap, madalas kong katabi at nakaunan sa aking braso si Mayumi Haliparot, (ang aming mexican chihuahua), na hindi ko magawa nuon dahil sa allergy. Did they put anti allergy medication in the dextrose or it is by God's grace kaya wala akong allergy? This is something I need to ask the doctor about.
Bakit ko ba kailangang isulat ito sa blog? Kasi I have experienced a lot of miracles pero 'yung iba nakakalimutan ko na. Isa pa, may mga sinulat akong tula at maikling kwento nuon pero nawawala at nalilimutan ko na rin. This is the main purpose of this blog, although not the only reason, para ma-preserve. Dahil minsan I need to read it again and be reminded of how good He is to everybody. He is no respector of person. His thoughts and ways are much higher than us. Kaya, I would be posting old essays, poems and short stories. (Kung may oras pa ako)
I hope also that some people would benefit from this.