Wednesday, July 7, 2010

Philippine Movies Part II: Komedyante

Ang Mga Mahuhusay na Komedyante

Joey De Leon, at TVJ. Ang style ng pagpapatawa nila ay parang mga tambay na magbabarkada sa kanto o sa harap ng sari sari store. Although nagsimula sila sa mga slapstick humor, ngayong nagmatured sila, naiba na rin yung mga jokes nila. Natutuwa naman ako sa kanila. Si Vic, sakop ng style na patawanin pati mga bata, si Joey caters to matured audience at may pagka barako ang dating. Kaya siguro mas natatawa ako sa mga jokes ni Joey.  Mas-spontaneous at mas magaling sa timing and punchline. Nakakakita rin siya ng mga bagay na nakatatawa sa lahat ng sitwasyon. Comedy is in his system. Para lang siyang humihinga pag nagpapatawa. Walang effort. Brilliant!  Makikita ko rin ang dedikasyon niya sa TVJ.  Eventhough he has a name of his own, wala siyang kiyeme na suportahan ang mga comedy in Vic Sotto.  Makikita mo ang samahan at respeto nila sa isa't isa na bunga ng matagal na nilang pinagsamahan.  Para silang mag-asawa, may iisa silang reaksyon sa sitwasyon at alam agad nila kung paano ito ie-exploit para maging katawa-tawa.

Michael V. Comedy is an art for him. Although he lacks spontaneity, mataas ang level ng mga jokes niya, pinaghahandaan at pinag-iisipan. He can relate to different kinds of people, bata-matanda, may ngipin o wala, meaning coming from different social strata with different IQ levels. What about Ogie? Well, he will always be a good musician for me. Sobresaliente. (Si Bitoy hindi si Ogie)

Ai Ai de las Alas. There is something in the fez. Pumikit ka, imagine her face. Is she smiling or frowning? Her smile is contagious and uplifting. Napakadaling maka-relate ng audience. May koneksyon agad. She looks so approachable kahit hindi mo pa nami-meet. Dahil sa tagal na rin niya sa showbiz, makita mo palang si Ai Ai, mapapangiti ka at matutuwa, comedy seems her whole being. Patatawarin mo at makakalimutan mo ang mga pagkukulang niya dahil sa aliw na nararamdaman mo. Excellent.

Pokwang. Kuha niya ang masa at ang mga bading. Comedy is her profession. She works hard and will do everything to improve her craft and make the audience laugh. God may have given her fewer talent in comedy compared to others but you will reward and love her because she dedicated everything to improve her craft for the sake of entertaining the peole. Where is she right now? She comes a long way. She succeeded and she graduated Bachelor of Arts in Comedy with flying colors.

Dolphy. Da king. Comedy is his life.  Nuong maliit ako walang ibang nakakatawa kundi si Dolphy. Kahit sa lumang pelikula, Jack and Jill hagalpak ang tawa ko nuon. Very entertainning.  Pero matanda na ako kaya hindi na ako natatawa sa kanya. Pero hanggang may mga batang Pilipino may Dolphy pa rin. Vic Sotto learned a lot from Dolphy's magic at sa tingin ko pinakikinabangan niya ito.

Vice Ganda. A new breed of commedian. 100% gay humor at 100% din ang entertainment value sa lahat ng klase ng tao pero lalu na sa masa. He is able to discuss taboo topics in a humurous way kaya naman lahat bago sa paningin at pandinig ng audience. Perfect timing palagi ang punchline.  Intelihente, mulat, at may kamalayan sa mga isyu ng lipunan.  Alam ang pulso ng tagapakinig niya.  Sensitibo kung nae-entertain o nabo-bore ang audience.  He is able to make himself and the audience part of the whole group.  Parang walang barrier between him and the audience.  Kaya lang, malaswa at offensive pa rin ang dating sa akin. (Naku, matanda na talaga ako, hindi na ako sanay sa mga ganitong comedy.) Minsan din disturbing ang pang-o-okray na ginagawa niya sa contestants.

Kung ang ibang komedyante gumagamit ng sidekick para okrayin, si Vice ang audience o contestant ang sidekick niya. Hasa kasi siya sa mga comedy bars na kung saan may audience participation. Ang mga kilalang sidekick ay gaya ni Panchito, ang sidekick ni Dolphy, ang TVJ, nandiyan si Richie d' Horsie na kung saan ay nilalait lait nila. Maiba ako, minsan nanuod ako ng Funniest Home Video. Tawa naman ako ng tawa. On the second thought, nakakatawa ba kapag may nahulog, nahulugan, bumagsak, natumba, etc.?  In other words, nakakatawa ba kapag may nasaktan? Ganuon din sa humor ni Vice ganda. Nakakatawa ba na laitin mo ang contestant o audience sa harap ng national television? Lahat ba sila'y nakahanda sa ganitong pang-ookray gaya ng mga professional sidekicks? May briefing ba sila? At kung sasagot siya ng oo sa lahat ng ito, ang tanong ko uli, sigurado siya? May facts ba siya? Nagtatanong lang ako, hindi ako nang-aaway.

Lahat talaga ng bago at kakaiba minsan nakakatakot kasi hindi ganuon ka-predictable ang outcome.  Ayokong i-judge si Vice o magalit at sisihin siya dahil nakararamdam ako ng uncertainties.  But I would let the time to be the judge and find out if it is really entertaining.  Sa ngayon may bago siyang inihahain.  Bring it on.

Jose Manalo.  Siya ang sidekick ngayon ni Vic pero meron siyang sariling style.  Street comedy: pangkanto, pambarako at pambarkada.  Ito ang komedyante na nakalubog sa masa.  Bukod sa napakagaling din niya sa punchline ay napakahusay rin ng galaw ng katawan.  Siguro ito ang kakanyaan niya.  Hindi lang verbal ang kanyang comedy, kinesthetic din.  May edad na siya pero ang galaw ng katawan ay parang 12 years old na nagbibinata at may ADHD.  (Positive ang gusto kong sabihin, wala lang akong mahagilap na salita para i-describe siya.)  Kaya lang halatang tuso.  It seems, he will only support bossing but not the other comedians, especially yung medyo ka-level niya.

Kris Aquino.  O e bakit napasama siya rito?  Hindi siya mahusay na dramatic actress at hindi rin naman komedyante.  Oo, hindi nga pero isa siyang brilliant host. (Take note, hindi excellent, dahil hindi rin naman siya masyadong magaling sa hosting.)  Bubbly and very articulate.  Walang ka-effort-effort.  Lahat ng gawin, sabihin, isuot ni Kris sinusundan ng masa.  People despise her and at the same time love her dahil lahat ng ito nakaka-entertain sa kanila.  Her total package is entertainment.  And that is the ultimate purpose of showbussiness, entertainment.  Imagine showbiz without Kris Aquino.  It's so lame!

Gaya ng nasabi ko, hindi conclusive ang aking mga puna dahil limitado ang aking exposure sa showbiz.  Pero sa limitadong oras na binibigay ko rito, para mapansin at makuha ng isang artista ang aking atensyon kahit trailer lang ang napanuod ko, palagay ko magaling siya.