The doctor said no heavy lifting and no housework until after 6 weeks. So the usual activites I did while recuperating is watching TV and internet aside from answering sudoku puzzle. Lahat na yata ng klase ng sudoku nasagutan ko na. Sa panunuod ko naman may nabuo akong mga puna.
Philippine movies
Hindi malalim ang aking pagkakaunawa sa mundo ng showbiz at hindi malawak ang sakop ng aking kaalaman sa paksang ito kung kayat ang aking mga puna ay nakabatay lamang sa limitado at pahapyaw na panunuod sa mga ilang pelikula.
Sa napansin ko, marami na palang nagawang magagandang pelikula sa ngayon. Mahusay ang script pati ang production design. Maayos ang kulay ng pelikula pati ang visual effects. Bagamat hindi pa rin napapantayan ang ganda ng visual effects sa hollywood, malaki ang iniunlad ng technical aspect kung ikukumpara nuong 80's at 90's. Marami na ring mahuhusay na artista pati na rin ang mga direktor at script writer na mataas ang kamalayan sa gender sensitivity at social issues.
Naaaliw ako sa ilang mga pelikulang na-produce ng star cinema, melodrama at heartwarming ang dating, parang 50's at 60's uli. Ilan dito ay iyong mga pelikula ni John Lloyd Cruz at Bea Alonzo. Sa isip ko, kung ang mga ganitong pelikula ay pinaghuhusayan nila paano pa iyung mga de kalibre o panlabang pelikula, e di mas mahusay at mas maganda. Medyo nawala kasi ang mga ganitong tema nuong 80's at 90's.
Nuong maliit pa ako, tuwang tuwa ako kapag naunuod ako ng mga lumang pelikula, during 50's at 60's, sa channel 7 (pelikula nuong 40's, ilan duon pinalalabas sa channel 4) pagkatapos ng student canteen, kahit paulit-ulitin pa yan 5 beses isang linggo pinanunuod ko pa rin. Diyan ko nakita at hinangaan ang mga artista nu'ng araw. Tuluyan akong nasiphayo at nawalan ng gana sa pelikulang pilipino nuong 80's at 90's. Too bad pero wala akong natandaang kahanga hanga. Siguro merong magilan ngilan pero hindi ko napanuod. Ang napanuod ko sa sinehan nuon na tumatak sa isip ko dahil sa dami ng taong nanuod ay Dear Heart ni Sharon at Gabby, matapos nuon bibihira na akong manuod ng sine. Wala rin naman akong pampanuod pero kung may magandang sine pipilitin ko rin naman.
Pero ngayon, unti unting bumabalik ang tiwala ko sa pelikulang pilipino. Mas naging creative yung mga script writers. Nag-e-experiment at nag-e- explore sila ng mga tema na hindi karaniwang napag-uusapan. Karamihan kasi ng tema ay tungkol lang sa, boy meets girl - they had problems- but live happily ever after in the end. Kamakailan, napanuod ko ang Crying Ladies, Ang Pagdadalaga ni Maximo Oliveros. O di ba, kakaiba at nakakaaliw ang dalawang ito? Napakahusay ng script pati ang pagkakagawa ng pelikula. Dalawa lang iyan sa ngayon na napanuod ko pero may impact agad kung paano ko nakikita ang narating ng pelikulang pilipino. Nakatutuwa din na nagkaruon ng mga indie films or short films (pareho ba yun? what's the difference?). Palagay ko malaki ang naiambag nito sa pag-angat ng pelikulang pilipino bilang sining at hindi isang negosyo. Good job.
Actors and actresses
May mga hinahangaan akong artista dahil sa husay at galing nila sa pag-arte. (Wow, feeling expert sa field na 'to. Pabayaan nyo na ako anyway blog ko 'to.) Ilan ito sa mga hinahangaan kong artista, according to what comes first in my mind.
Nora Aunor, magaling magtapon ng linya pero kahit hindi nagsasalita lumalabas ang emosyon. What about Vilma Santos? She has above average acting ability almost perfect but not as extraordinary as Nora's.
Gina Alajar, nakakalimutan ko ang screen name niya at ang tanging nakikita ko ay ang papel na ginagampanan niya kahit trailer lang ng pelikula ang napanuod ko. Yung anak niyang kaunti lang ang buhok, hindi ko alam kung ano ang pangalan, ay isang napakahusay na aktor din.
Lolita Rodriguez, veteran actress but worth mentioning kung babanggitin ang mga mahuhusay na aktres
Cesar Montano, ang male version ni Gina Alajar, nawawala ang pangalang Cesar Montano kapag umaarte at napapalitan ng pangalan ng papel na kanyang ginagampanan. Also, his stance makes him owns the screen at hindi mo na mapapasin ang iba pa niyang kasama. Ganuon kalakas ang kanyang screen presence. An actor in the truest sense of the word.
Christopher De Leon, he has so much to give in acting kaya minsan kailangan niyang kontrolin ang emosyon.
John Lloyd Cruz, napakagaling mag-emote, tulo agad ang luha. Kaya lang minsan 'yung balde baldeng luha ay hindi tugma duon sa hinihingi ng istorya. Kumbaga 'yung luha niya ay parang namatay at naubos ang buong angkan niya, iyon pala simpleng misunderstanding lang sa girlfriend niya. Pero magaling siya at malaki pa ang pwede niyang i-improve. Pinaghalong Chrispher de Leon at Dindo Fernando ang dating.