Gusto kong batiin ng happy mother's day ang nanay ko. I have not seen a woman with a character close to hers. She is one of a kind. I have not seen her fought with anybody, verbally or physically, but no doubt in my mind that she is a fighter in life. She is a woman of strength and of character. She is unconventional yet at the same time practical. Minsan sinabihan siya ng lolo ko na hindi na siya pag-aaralin sa kolehiyo kasi babae naman siya at mag-aasawa lang. Tanggap ang ganuong kaisipan nuong panahon na iyon sa lugar na iyon pero hindi ng nanay ko. Sinikap niyang mag-aral sa kabila ng kahirapan. Lumuluwas ng Maynila at nakikitira at nakikisama sa mga kamag-anak para makapag-aral hanggang sa makatapos. Walang nagawa ang lolo ko kundi gawin ang kanyang makakaya bilang pesante upang makapag-aral si nanay. Saan na kaya kami ngayon kung hindi naging matigas ang ulo niya?
Hindi mo mapapalabas ng bahay ang nanay ng hindi naka-lipstick, curvaceous din ang kanyang katawan at napakabusisi sa pag-aayos ng sarili, but I know, she is emotionally stronger than most men I know . Hindi takot sa kahit na anong hayop. Hindi sumisigaw pag nakakita ng ipis, ahas, daga o gagamba. Pag ako ang sumigaw, sasabihin niya, "para yan lang, mas malaki ka pa diyan." Nuon daw, pag naglalakad sila ng tatay ko sa pilapil, madalas silang nakakasalubong ng ahas. Si tatay raw ang unang napapalundag, ang nanay cool lang. Hindi rin siya takot sa dilim, hindi rin takot sa multo. Hindi naniniwala sa mga pamahiin. Hindi relihiyoso. Naging palasimba ang nanay ko, nuong nagsimba na 'yung mga anak niya. Kaya ngayon alam ko na kahit saan ako makarating may intercessor ako. Hindi mahilig makining o manuod ng drama sa radyo o telebisyon gaya ng ibang ginagawa ng karamihan ng nanay sa lugar namin. Hindi natatakot sa horror movies. Pag ako natatakot, sasabihin niya, tinatakot mo ang sarili mo. Hindi nagbabasa ng komiks. Walang hilig sa artista. Hindi ko narinig kung si Vilma ba o si Nora ang gusto niya. Hindi nakikiumpok para pag-usapan ang buhay ng may buhay. (Hindi ko sinasabing mali iyon. Ang sinasabi ko kakaiba siya.) Pero ngayong matanda na siya. libangan niya ang manuod ng telenobela. Minsan naisip ko, macho siya.
Sa kahirapan ng buhay hindi siya sumuko. Sisiguraduhin niyang may pagkain sa hapag kainan kesehodang magkautang utang. Maparaan at masinop din siya. Lahat tinatabi, sasabihin niyang mapapakinabangan 'yan pagdating ng panahon. Kaya kahit may pamilya na ang kuya ko pati scratch paper sa school ni kuya hindi pa rin niya tinatapon. At nuong mahigit 60 years old na siya parang bodega na 'yung bahay namin.
Nuong grade four ako, lumipat kami sa Maynila, nuon lang ako nagbasa ng ingles na libro kaya hindi ko naiintindihan ang homework ko. Babasahin sa akin ni nanay bawat sentence ng short story at ita-translate niya isa isa hanggang sa mga tanong para lang maitindihan ko at may homework ako kinabukasan. Hanggang mag college ako, nakaalalay siya sa akin.
Mahirap nuong teen-ager ako at nagme-menopause siya. Pareho kaming uptight sa buhay. Sasabihin lang niya sa akin magkakaanak ka rin at maiintidihan mo rin kung ano ang nararanasan ko. Tama nga siya. Kung nuon napaka-critical at judgmental ko sa kanya, ngayon naa-appreciate ko lahat ng sakripisyo niya sa aming magkakapatid.
Sa muli, sa aking nanay at lahat ng nanay sa buong mundo, happy mother's day. I love you nanay.