Paumanhin duon sa hindi maganda ang naramdaman nang mabasa ang "Life is too short" na sulatin dated July 19, 2010. Mali man po ang panalangin ko hindi ko sinasadya. Siguro kailangan ko lang maisulat ng maayos kung ano ang gusto kong sabihin. Sincerely, ayaw ko pong makaramdam ng galit o poot duon sa mga namumuhi sa akin, ang paraan ko para duon ay manalangin (kung hindi man gumawa) ng mabuting bagay para sa kanila. Kapag ginawa ko 'yon, ako rin ang nagbe-benefit dahil mabigat na dalahin sa dibdib ang galit at muhi. Iyon lang po ang ibig kong sabihin duon.
Paumanhin din duon sa hindi maganda ang naramdaman sa sulating, "Pre and Post Medical Procedure Events" dated July 3. Nakikisimpatya ako duon sa mga tao lalu na sa kababaihang nakararamdam ng sakit sa kanilang katawan. Alam ko po kung paano magkaruon ng sakit sa katawan, ayaw ko itong nararamdaman ng kahit na sino. Hindi ko po isinulat iyon para magyabang. Wala po akong dapat na ipagyabang kahit ano. Pero kahit wala akong kayang ipagmalaki ay binigyan pa rin Niya ako ng milagro, iyon po ang gusto kong ibahagi. In fact, it was a humbling experience for me. At ang karanasan ko ay hindi naman kakaiba, alam kong lahat ng tao ay nakaranas na ng Kanyang milagro sa maraming kapamaraanan.
Thursday, August 5, 2010
Sina Adlaw, Bulan at Bituing Marikit sa Malayong Planeta Bilog
Mga bata, alam n'yo ba na nuong unang unang unang panahon ay wala pang araw, buwan at mga bituin? Ang daigdig ay madilim na madilim na madilim at tanging apoy lamang ang nagsisilbing tanglaw ng mga tao? Dahil nga palaging madilim, ay walang tinatawag na araw at gabi rito. Gusto ba ninyong malaman kung paano nagkaroon ng araw, buwan at mga bituin? P'wes, pakinggan ninyo ang kwento nina Araw Adlaw, Buwan Bulan at laksa laksang bituin at kung paano sila napadpad malapit sa ating planeta daigdig. Handa na ba kayo?
Sa kabilang dako ng kalawakan sa malayong malayong malayong labas ng daigdig ay mayroong isang planeta. Malaking malaking malaking planeta na kung tawagin nila ay planeta bilog. Ang planeta bilog din ay maliwanag na maliwanag na maliwanag dahil sa libo libong araw at buwan na hugis bilog na naninirahan dito. Dahil sa sobrang liwanag at walang kadiliman, walang araw at gabi, kundi puro araw lang. Sa tingin ninyo, bakit ito tinawag na planeta bilog? Tama, dahil ang planeta ay pinananahanan ng mga hugis bilog.
Bawal ang ibang hugis, gaya ng parisukat, parihaba at tatsulok, dapat bilog lang, dahil ito ay planeta bilog. Bukod dito, may isa pang kalakaran sa planetang ito. Ang mga araw ay kailangang mag-asawa lamang ng kapwa niya araw at sila'y magkakaanak ng araw. Samantalang, ang mga buwan ay inaasahang mag-asawa ng kapwa niya buwan at sila'y magkakaanak ng...hulaan nyo kung ano. Tama, buwan din. Naniniwala ang karamihan na magugunaw ang kanilang planeta kapag nagpakasal ang araw sa buwan.
Ganito ang kanilang kaugalian sa mahabang mahabang mahabang panahon sa planeta bilog kung saan naninirahan ang mga araw at buwan. Ngunit sa 'di inaasahang pagkakataon, may isang matipunong araw, si Adlaw, ang nabighani at umibig sa isang napakagandang buwan, si Bulan. Lingid sa kaalaman ng kanilang mga magulang, sila'y naging magkasintahan. Wagas at walang halong pag-iimbot ang kanilang pag-iibigan, at nangako silang magsasama habang buhay.
Ngunit pilit man nilang inilihim ang kanilang pagmamahalan ay natuklasan pa rin ng kanilang mga magulang. Ano sa tingin ninyo ang naramdaman ng kanilang nga magulang? Tama, nagalit sila dahil sa paniwalang magugunaw na ang planeta bilog.
Ngunit sa paglipas ng panahon, taliwas sa kanilang inaasahan, hindi nagunaw ang planeta bilog hanggang sa nagbunga na ang pag-mamahalan nina Adlaw at Bulan. Ano kaya ang ibig sabihin ng "nagbunga ang kanilang pagmamahalan"? Tama. Buntis na si Bulan at ang lahat ay nag-aantay at nangangamba sa kung anong uri ng supling magkakaroon ang mag-asawa, dahil hindi pa nangyari na ang araw at buwan ay nagkaibigan.
Matapos ang di katagalang panahon. Dumating na ang sandaling kanilang kinatatakutan. Manganganak na si Bulan! Ang lahat ay nakaabang sa labas ng kanilang bahay at nag-iintay sa bagong nilalang na isisilang. Ano kaya ang magiging anak nila? Buwan kaya o araw? Walang nakakaalam. Lahat sila'y matyagang nag-antay ng nag-antay ng nag-antay.
Natapos na ang pananabik ng lahat at laking gulat nila nang masilayan ang unang anak ng araw at buwan. May mga namangha, may kinilabutan, may mga natuwa, mayroong napaluhod at nanalangin, at may mga nanangis din. Hindi ito bilog gaya ng mga magulang nila! Mayroon itong limang sulok na nakatutusok! "Bituin!...Bituin ang pangalan niya!" Ito ang tinig na kanilang narinig buhat kay bulan. "Bituin...ano? bituin daw...bituin daw...bituin?" Tila mga bubuyog na nagbulungbulungan ang mga araw at buwan sa planeta bilog sa labas ng bahay nina Adlaw at Bulan. Sa tanang buhay nila ngayon lang sila nakakita ng anak ng araw at buwan.
Magkagayun man, pinangalanan ng mga bagong magulang na, Bituing Marikit ang kanilang supling sapagkat bagamat maliit walang kasin tulad ang ningning at rikit. Mahal na mahal na mahal nila si Bituing Marikit. Kung kayat masayang masayang masaya ang mag-asawa sa kanilang panganay.
Nagkagulo at pinag-usapan ng lahat ng mamamayan sa planeta bilog ang unang anak ng araw at buwan, na isang bituin, na may limang sulok. Hindi nila alam kung anong gagawin sa nilalang na hindi hugis bilog, bagkus may limang sulok na nakatutusok. Nagpulong pulong ang mga may katungkulan sa planetang iyon habang nag-usap-usap ang mga mamamayang araw at buwan. Gulong-gulo ang lahat. At ang bawat isa ay hindi papayag na hindi marinig ang kanyang opinyon sa mga nangyayari. "Ang planetang ito ay planeta bilog kung kayat ang pwede lang manirahan dito ay hugis bilog. Ito ang kaugalian, ito ang nakagisnan!" Ito ang sinasabi ng marami. "Wala akong nakikitang mali sa pagkakaroon ng ibang hugis sa planeta bilog. May napakahalagang gamit din ang kanilang mga sulok lalu na sa panunungkit at panunusok." Ang sabi rin ng ilan. Nagbalitaktakan at nagtalakayan sa mahabang mahabang mahabang panahon tungkol sa pagkakaroon ng bituin sa planeta bilog. Sa lumipas na mga panahon, nagkaroon na ng laksa laksang bituin sina Adlaw at Bulan.
Matapos ang matagal na matagal na matagal na pag-iintay, sa wakas naibaba na ang desisyon. Maikli lamang ang sinabi ng tagapagsalita. "Hindi pwedeng manirahan ang mga bituin, dahil mayroon silang mga sulok at hindi nababagay sa planeta bilog. Ang kanilang paglisan ay pinag-uutos." Kung kaya, dali daling nag-alsabalutan sina Adlaw at Bulan at umalis agad sa planeta bilog kasama ang kanilang laksa laksang supling na pinangungunhan ng panganay na bituin. Hulaan n'yo kung sino. Tama, si Bituing Marikit.
Pag-alis nila ng planeta bilog, sa tingin ninyo saan kaya sila napadpad? Tama, malapit sa ating planeta daigdig. Parang mga buhanging nakasabog ang mga bituin sa kalawakan habang matatag na nagmamatyag sina Araw Adlaw at Buwan Bulan sa labas ng ating daigdig. Sa pagsapit ng gabi, sa pagdungaw ni Bulan sa sangkatauhan ay mapapansin ninyong namumutiktik ng mga bituin ang kalangitan. At kapag may nakita kang malaking bituin sa tabi ni Bulan, si Bituing Marikit iyon, ang kanyang panganay.
'Di magtatagal matatapos ang magdamag, sa pagsapit ng umaga nandyan na si Adlaw, at ang planeta daigdig at lahat ng narito, ay nagiging makulay na makulay na makulay na tahanan. May pula, berde, dilaw, asul at marami pang iba. Lahat ng kulay na makikita sa napakalaking kahon ng crayola ay nandito na. Magbuhat ng manirahan sila malapit sa atin, ang ganda ganda at ang saya saya na ng ating planeta.
O ano mga bata, magbigay ng isang dahilan kung bakit gusto n'yong tumira dito sa planeta daigdig? Tama, pero bukod sa makulay, ang planeta daigdig din ay ginawa ni Bathala para sa mga bata at matanda na may iba't ibang anyo, hugis, laki at kulay. Kaya, ingatan natin ang planeta daigdig, sa ating lahat ito.
Makulay na umaga sa inyong lahat, tapos na po ang kwentuhan.

Subscribe to:
Posts (Atom)