Tuesday, August 10, 2010

Paumanhin

Paumanhin duon sa hindi maganda ang naramdaman nang mabasa ang "Life is too short" na sulatin dated July 19, 2010.  Mali man po ang panalangin ko hindi ko sinasadya.  Siguro kailangan ko lang maisulat ng maayos kung ano ang gusto kong sabihin.  Sincerely, ayaw ko pong makaramdam ng galit o poot duon sa mga namumuhi sa akin, ang paraan ko para duon ay manalangin (kung hindi man gumawa) ng mabuting bagay para sa kanila.  Kapag ginawa ko 'yon, ako rin ang nagbe-benefit dahil mabigat na dalahin sa dibdib ang galit at muhi.  Iyon lang po ang ibig kong sabihin duon.

Paumanhin din duon sa hindi maganda ang naramdaman sa sulating, "Pre and Post Medical Procedure Events" dated July 3.  Nakikisimpatya ako duon sa mga tao lalu na sa kababaihang nakararamdam ng sakit sa kanilang katawan.  Alam ko po kung paano magkaruon ng sakit sa katawan, ayaw ko itong nararamdaman ng kahit na sino.  Hindi ko po isinulat iyon para magyabang.  Wala po akong dapat na ipagyabang kahit ano.  Pero kahit wala akong kayang ipagmalaki ay binigyan pa rin Niya ako ng milagro, iyon po ang gusto kong ibahagi.  In fact, it was a humbling experience for me. At ang karanasan ko ay hindi naman kakaiba, alam kong lahat ng tao ay nakaranas na ng Kanyang milagro sa maraming kapamaraanan.